Tangina! Naalala ko kabadingan ko kanina, naparami yata inom ko kanina. Sana may magexplain saken kung ano tong pinagdadaanan ko dahil sa totoo lang nasasaktan ako, yung parang may gusto smabog sa dibdib ko, hindi ko talaga alam? Tangina, in love yata ako sa taong hindi ko pa nakikita! Basta ikwento ko muna paano nangyari to. Haaays, naalala ko na naman mga pinagsasabi ko sa kanya sa text nakakahiya. Putangina ang bading ko, pero putangina nya rin, hehe.
Hindi ko na matandaan kung ano unang message nya sa akin sa ym, basta parang sabi nya ayos yung blog ko, nabasa nya. Tapos ayun nainlove na ata ako sa kanya haha. Hindi, joke lang. Trenta anyos na tong si Boss, Engineer, may asawa, may kabet na kagaya ko, haha. Una chat chat lang kame, tapos nagkakalokohan na parang sabi ko trip ko sya, sex kame! Inalok ko pa nga sya na i-motmot nya na nga lang ako dahil hindi pwede sa mga lugar namin. Sabi nya basta pupunta raw sya sa bahay sa susunud na araw, o basta pagnagka oras, ayos ang sarap pa naman ni boss, hehe.Pinatawag ko sya sa number ko, nasa work pala sya, si kupal tumawag naman, halos matagal din ata kami nagkausap kwentuhan tawanan basta yung mga pinaguusapan ng mga tao tapos sa bandang huli magkakayayaan na mag anuhan, yung mga ganung klaseng usapan. Pucha, maniwala ka bas a sandaling oras na nagkausap kami, siguro mga apat na oras. Nasabi ko sa sarili ko na gusto ko sya. Sya yung trip ko, yung matagal ko na hinahanap hanap, yung hindi halata, gwapings, masarap kausap, palatawa, basta trip ko sya kahit di ko pa sya nakakasama parang ang lapit na ng loob ko sa kanya. Tangina basta gusto ko sya, tapos! Haha. Kelangan nya na umuwi dahil tapos na trabaho nya, inubliga ko sya na itext nya ako ora mismo para malaman ko kung anong number nya, hindi nya raw kasi saulo. Tangina mo- number mo hindi mo saulo bad trip hehe. Nagtext nga naman sya, pero hindi ko agad nareplyan dahil nasa mga tropa ko ako at nagiinom, paguwi ko sa bahay dun ko lang nasagot text nya, naghintay ako ng ilang oras hanggang sa namiss ko na lang sya, yung pagtawa nya sa phone basta tangina, pero wala pa rin syang text. Tsk, paasa tong gago na to, tangina, sabi ko sa sarili ko.
Kinabukasan hindi ko na sya masyado naalala, katulad lang din nung ibang madalas na mga nagpapakilala at nawawala na lang bigla. Wala sa hitsura ko pero, oo, kapag natripan ko isang tao, madali ako umasa at maniwala, paginalat baka mahulog pa ko sa kanya, tangina di ba! Madali lang ako, easy to get ba. Hindi ko maalala kung ako ba una nagtext o tumawag basta ang sabi nya pasensya na dahil nagkaproblema sa bahay nila sinugod esmi nya sa hospital kaya hindi nya ako naitext- sa isip ko TANGINA isang text lang naman, ok na ko. Pero naging ok na ko narinig ko na boses nya. –in love ba ko sa lagay nay an o libog lang? Haha. Basta, simula nun araw araw, oras oras nagchecheck ako ng cellphone umaasa na may text sya, pero putangina ang panget nyan wala talaga, kung hindi ako ang unang magtetext hindi sya magrereply. Hindi ko na kaya inamin ko na sa kanya na gusto ko siya, na trip ko sya. Pinilit ko pa nga sya na sagutin nya yung tanong ko, kung gusto rin nya ba ako? Parang tanga lang no, hindi pa nga kame nagkakasama, ganun na agad. Una ayaw nya sagutin, pero napaoo ko rin sya, sapilitan eh. Ang saya ng gabi kong yun. Sa sobrang kakaisip ko yata sa kanya, lagi ko binibisita facebok nya, kahit nakaprivate dahil ayaw nya ko iadd hindi ko nakikita kung anong balita na sa kanya. Tangina! Naranasan nyo nab a magiwan ng ilang dosenang offline message, dahil sa hindi sya nagoonline, tumatawag at nagtetext. Hindi ko sya maggawang itext nun dahil ayoko makulitan sya sa akin kaya binura ko ang number nya. Ang tanga ko no, at ang emo! Ang huling text nya sa akin, nasa bahay na raw sila kakarating lang galing sa hospital, inoperahan ang misis nya, yun yung dahilan kung bakit halos tatlo o limang araw ako nababaliw sa kanya dahil hindi sya nagpaparamdam. Pero mabuti ok na misis nya. Nakachat ko ulet sya isang beses, hiningi ko ulet ang number nya sa katangahan nya, o sinadya nyang mali ang ibinigay nyang number, ang kupal nya tangina. Text ako nang text, tawag nang tawag kaso nagbubusy lage, nito ko lang nalaman, yung totoo kahapon lang tumawag saken unknown number babaeng taga Dubai, bakit text daw ako ng text sa roaming nya, kung sino daw ba ako, humingi na lang ako ng pasensya dahil wrong sent nga lage, jahe pa tuloy sa kanya kop ala nasesend yung mga drama. Binura ko rin yung ym nya, pero hindi ko napigilan inadd ko ulet, sa katangahhan ko naman mali rin yung id ang pinapadalhan ko ng mga message, tangina sayang yung mga mada drama kong offline message sa kanya, nalaman ko lang nung sinubukan kong iadd ang nakalagay wala raw ganung id, dali dali naman ako nagrecover sa address book kung bakit wala daw ganun. Ito yung unang pagkakataon na ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko alam nararamdaman ko, binura nya na kaya ang yahoo account nya? Putangina baka nagpalit na rin sya ng number at nakukulitan na sya sa akin. Nakahinga ako ng malalim nung nalaman kong mali lang pala ako ng ym id.
Ibinibida ko si Boss sa mga ilang nakakasex ko nung nakaraang dalawang linggo, na kesyo may isa akong trip na trip na taga Pasay. Ipinagyayabang ko kasi sa kanila na nakita ko na yata yung katapat ko- yung katapat ko na tangina nasasaktan ako araw-araw, oras-ras, minu-minuto. Nabanggit ko rin kay tatay (Engineer na taga Pampanga, yung nabanggit ko na “relasyon”), masyado yata ako manhid para magpadamay pa sa kanya. Unang una dahil alam kong mahal na mahal nya ako, tinanong ko na lang siya, paano mo natitiis na kalimutan ko- hindi naman kalimutan, yung parang kung mahal na mahal mo ako bakit natitiis mo akong hindi itext o tawagan, pano ba makapagmoved on sa ganun, wala akong masyadong naintindihan sa mga sinabi nya at ipinapayo nya. Ako na rin mismo ang nakaalam kung bakit ako nagkaganito. AKO KASI SI MR. RIGHT NOW! Pumasok kasi sa utak ko na desirable ako at irresistible- makapal ba mukha ko masyado? Huwag ako sisihin nyo yung mga nakakasex ko, sila nagsasabi nyan saken. Pero tama sila halos lahat nga naman ng niyaya ko na makipagsex pumapayag ora mismo. Tangina kasalanan nila to masyado nila ako ini-spoiled. Kapag sinabi kong ngayon na, NGAYON talaga, kung nasaan ka man, puntahan kita o puntahan mo ako. Nabanggit ko rin kay tatay, na bakit kasi kay Boss ko pa naramdaman to, ang daming araw araw nagtetext sa akin at nagaalok ng relasyon. Meron nga araw araw walang palya nagtetext talaga, nahihiya nga ako sa kanya, hindi ko man lang siya nirereply-an, ganito rin kaya yung nararamdaman nya sa akin? Si tatay ganito rin kaya nararamdaman nya sa akin? Yung gustong sumabog yung loob! Yung tipong kumakawala sa dibdib mo yung malutong na PUTANGINA!!! Nabanggit ni tatay na out of the country sya sa susunud na dalawang linggo, nalungkot ako bigla, mamimiss ko yata sya, dalawang linggo rin yun. Mabait talaga si tatay, nabanggit nya rin na gusto nya raw ako iispoiled, hindi nya araw ako pagbabawalan makipagsex sa iba basta ingat lang daw, oo naman! hehe, ibibigay nya daw lahat ng gusto ko na parang tunay nya na anak, na kapag namasyal sa mall at may tinuro bibilhin, pero yung sa amin ni tatay relationship-wise lang naman. Ang martir ni erpats haha, pero kung may makakapagtanong sa akin sino greatest lover ko- not sexually, sit ay siguro yun. Ewan ko lang baka pati ako ginagago lang nito, hihi. Oy pasalubong ko ‘tay! Ashtray pwede na para di buong mundo ang ginagawa kong titisan ng upos, hehe. Isang buwan na nung nagkakilala tayo, July 1 yun eh, tanda mo pa?
Mabalik tayo ke GAGO, kay Boss pala. Nagkausap ulit kame, Linggo raw balik trabaho na sya tatawagan nya raw ako. Ayos! Putangina! Bale bente kwatro oras lang naman ako hindi mapakali kakahintay sa PUTANGINANG text at tawag nya, ano ba naman yung isang text lang na hindi sya tatawag, mahhirap ba gawin yun! PUTANGINA ginagago nya na ko eh, at ang sakit sakit. Naiwan nya raw yung cp nya sa bahay. OK! TANGINA, ako naman si tanga, naniwala na iniwan nya nga cellphone. Lunes ng hapon, nagluluto ako medyo masaya dahil may nakaanuhan ako nung gabi nabitin kasi ako sa alak, nangulit tuloy ako sa kapitbahay ko, ayun parang ayaw nya pero ginawa pa rin namen hehe. Habang nagluluto ako tumawag si Boss, sabi ko sa sarili ko nung gabi hindi ko na itetext o sasagutin tawag nya, pero wala naexcite ako masyado sinagot ko. Napangiti ako nung narinig boses nya nung una hindi ko marecognize, pero iba talaga ngiti ko nun. Pinasaya ako ni gago, nagkakasarapan pa lang kame ni boss magusap, may tumawag na tropa ko, namromroblema. Ayoko maan pinillit kong bbye na muna kay Boss, tawag kamo sya after 5 mins. Ayung PUTANGINA, TATLONG ORAS WALA AKO NATANGGAP NA TAWAG. Napilitan na ko itext sya. Nagreply naman, busy daw kasi sa trabaho. PUTANGINA ULIT, ano yung tatlompung segundo na tawag at sasabihin mo lang na busy na ko bukas na lang tatawag. Pero magaan pa rin loob ko nakausap ko sya at ngayon nagrereply sya. Time out muna sa text nasa bahay na raw sya. Ayun ako si tanga nagmukmok ulit, bumili na lang ng redhorse. Nag-good night at nag-good morning ako bago ako makatulog mga alas syete ata ng umaga nung umawat ako kaka-emo. Nagising ako makatanghalian na kahapon, wow! Baha na raw sa Samaploc, wala pasok mga pinsan ko suspended daw. Agad ko binuksan cp ko, tiningnan kung may text sya meron nga ang sabi nabasa daw ni misis text ko, wag na raw ako magtext at ipapahamak ko raw sya. Sa pagkakabasa ko at pagkakainitindi parang galit. Pagkabas ko nung msg nagtext na ko ng nagtext. Syempre maghapon na naman ako naghintay sa PUTANGINA, wala, mga alas dyes nagtext di nya raw nacheck yung phone. WOW HA!!! Agad akong nagload, para tawagan sya, wag na daw ako tumawag magddrive na sya ng motor. Sinubukan ko pa rin syang tawagan, sa pangatlong subok, sumagot si gago. Hindi naman pala nagddrive ang kupal nya. Dun, sumama talaga loob ko eh nasa tapat ako ng bahay, bakit kailangan mo magsinungaling? PUTANGINA WAG MO KO GAGUHIN PUTANGINA! ALAM MO BANG TINATAPAKAN KO NA ANG SARILI KO DAHIL SAYO ANG SAKIT NITO, ALAM MO BA PUTANGINA MO! GINAGAGO MO TALAGA AKO, PUTANGINA! TANGINA LANG TALAGA! Pero syempre di ko naman sinabi yun, sa totoo lang tahimik lang ako basta hindi ko alam ang sasabihin ko hindi ko alam kung ano ba dapat sabihin. Tumawag ulit ako isang beses, wala akong ibang nasabi kundi ang sakit ng nararamdaman ko- ngayon sabihin nyo sakin inlove ba ko sa ganyang lagay? o naudlot na libog lang kaya nababaliw? Naalala ko wala naman syang ginawa para magustuhan ko sya, basta ANG BADING NUNG ORAS NA TO. Nakainom na kasi, ang sakit sakit pala na umasa, maghintay, sobrang sakit lala o na kapag inaapakan mo na yung ego mo dahil alam mo naman talaga gawain yun. ANG SAKIT RHIO! TANGINA! Haha, pasesnya na puro mura. Gusto ko lang maramadaman nyo rin na talagang nasasaktan ako. Umuwi na ko puta, inom ulet! Ang hahaba ng txt ko sa kanya, nagrereply naman pero PUTANGINA ang tagal mo magreply, sa tatlong text mo parang reply mo lang ‘k’! PUTANGINA ANG SAKIT NA TALAGA. Makadalawang bote pa, pumasok na ko sa cr, ang sakit sa loo bang sakit sakit, ayoko naman makita ako ng mg kasama ko sa bahay. Hindi ako mapakali nun gusto ko umiyak pero wala talagang lumalabas na luha eh. Nung nasa loob ako ng banyo, dun lang dumating lahat ng message nya, bawat text kop ala may reply sya at hindi ‘k’ lang yung reply. TANGINA TOYBOY GUMISING KA NGA!
Haha, oo nakakahiya man aminin, naging ganyan ako sa kanya, KANINA. Tangina ito na yung una’t huli na mangyayarai sa kin ‘to, pero sana ito na yung huli. Naiisip ko baka naman hindi ako inlove sa kanya, lasing lang siguro ko kaya mas nangibabaw ang emosyon ko at kung anoa no nasabi ko sa kanya, dyahe pa kay Boss. Pwede ring nasasaktan ako dahil natapakan ko yung ego ko, sumakit loob ko dahil hindi ako sanay na hindi binibigyan ng importnysa, hindi ako sanay ng binabalewala, wala akong pasensya pag dating sa ganito, Naexcite lang din siguro ako sa kanya, gwapings kasi, tapos masasabi mo talaga sa sarili mo ok tong si Boss, hindi halata, pasok na pasok sa trip ko. O baka tama sya masyado ako nagmamadali, marami pa namang oras eh. TANGINA EH AKO NGA KASI SI MR. RIGHT NOW!!!
Tangina nakakahiya talaga pinagsasabi ko sa kanya, tinatawana pa nga nya kanina, dun din ako naggalit sa tawa nya, halatang hindi seryoso. Nabanggit ko sa text gusto kita, gusting gusto kita. Reply nya inlove ka ba, sabi ko oo, tapos walang reply haha. PUTANGINA. Sabi ko magkita kames a Friday, hindi raw pwede uuwi raw sya probinsya, TANGINAMO, nung isang araw lang sabi mo magkita tayo sa Biyernes dahil Day off mo tapos, biglang bawi na diretso ka pagkatapos mo ng trabaho mo nung Friday sa probinsya kung gusto ko raw Sabado. PUTANGINA MO ulet, ilang beses mo na ko pinopost-phone! Haha. Sabi nya “...alam mu meron ako. Tropa muna tayo, wag mo ko pahirapan” TANGINA AKO RIN NAHIHIRAPAN. “...Willing kita puntahan tamang timing lang, pls understand”- now thats sweet! Tangina paasa ka gago, dalawang linggo mo na sinasabi yan. Text ko pa “Masakit talaga Rhio” tapos reply nig ago “alin yung puson, hehe” PUTANGINA MO HAHAHA, tas sabay bawi nya, “Anong gagawin ko para mawala” TANGINA HINDI KO RIN ALAM, kung ano ba dapat mong gawin. Ano nga ba? Gusto ko lang makita ka, makasama, sabi mo hindi pwede!
...
Pero ngayon medyo ok na ko, nabaliw lang kanina. Ang dami ko ng nailabas na mura e. Basta ang bading lang nung nangyari kanina hindi ko inakala na aabot ako sa ganun, nakakahiya, hindi dapat ako ganun. Tangina Rhio ok na ko, wag mo muna ko itetext, haha asa namang itetext mo ako. Nailabas ko na dito sa entry na to lahat ng galit ko, haha, teka wala akong karapatann yatang maggalit? Hehe. Paisang mura na lang. PUTANGINA MO HANGGANG LIBING -haha, naalala ko lang tropa ko ganyan sya magmura, hindi yan para sayo Boss, gusto ko lang sabihin, ok na ko. Bigyan mo lang ako ng importansya yung lang gawin mo. Pasensya na rin kanina kung ano ano nasabi ko kulang na lang ata isumpa kita sa mura, pero dun ako natatakot dahil sa relax ka lang kanina napapatunayan kong wala akong importansya sayo, hindi mahalaga sayo pinagsasabi ko, samantalang nung nagaway kayo nung jowa mo galit nag alit ka, hehe. Tapusin ko na to. Nasasaktan na ulit ako, haha. Relax na ko. Kagaya nung lage kong hinihingi, isang kiss ok na ko, hehe. Isang mura na lang talaga, PUTANGINA MO! Ayos!
im proud of u, dahil matapang kang ilabas kung anu ang nararamdaman mo and it's ok no one can blame u because ur in love, i understand naramdaman ko din yan!!!!!just always here for u.it's me(Randy)09996508008.
ReplyDeletenice... atleast nagamit mo na ang bansag ko sau.. MR. WRIGHT.... haha... RIGHT pala ungas... hope kilala mo ako... wahahaha
ReplyDeleteshot tayo mark. kahit dyan sa tapat ng uste o s bahay ng tropa mo. sagot ko. no strings attached, gusto lang kita makilala.
ReplyDelete